1. Kaya kasi ng iba so kaya mo din. Nakaya nga ng mga may kapansanan e, ikaw pa kaya? Bakit? Paralyzed ka ba? 2. Malayo na kasi ang narating mo. Wag mong sayangin ang effort, resources, at oras na nagamit mo. Anjan ka na e. Ituloy mo na. Kung nakalahati mo na ang byahe kung babalik ka edi 1 whole na din yun. Kung ako sayo iderecho mo na. 3. Kaya ka nga naglakas loob na itry kasi alam mo kaya mo. Tuloy mo lang. Kung anong pinaniniwalaan mo yun ang mangyayare sayo. 4. Kasi youve got what it takes to make it. Ibinigay na sayo ang talento at mga kakayahan. Gamitin mo na lang ng may lakas loob. 5. May mga tao kasing naniniwala na kaya mo. Mga taong tagasuporta mo. Sila yung mga kaibigan na madalas mong naririnig na, "Kaya mo yan" at "Kapit Bisig". 6. Kasi isa lang ang buhay mo. Unless pusa ka. Pero kung gigive up ka e baka pagsisihan mo lang. Wala na kasing take two sa tunay na buhay. Sa showbiz lang yun. 7. Kasi jan ka magiging masaya. Kaya mo naman gusto yan marating kasi nga gustong gusto yan ng puso mo. Ang taong pinigilan ang naisin ng kanyang damdamin ay magiging malungkot na nilalang. (Not applied all the time) Kaya kung ako sayo lakasan mo loob mo at wag kang magpapigil. 8. Ang bawat butil ng paghihirap e may katumbas na na ani ng tagumpay. E kaya mo lang naman naiisip na sumuko kasi nahirapan ka na e. Ganun talaga. Pero wag mong isipin na walang bunga yan. Matagal nang nalikha ang batas sa mundo. Kung nagtanim ka siguradong may aanihin ka. Magantay ka lang. Konting tiis pa. Panapanahon lng yan. 9. Ikaw lang ang nakakakita ng mga posibleng mangyare sa hinaharap. Kaya nga napagkakamalan ka nang baliw e. May nakikita ka kasing mga imposibleng bagay na hindi nakikita ng iba. So kahit ano pang sabihin nila tuloy ka lang. Wag makinig sa negative.
10. May pabor ang Maykapal. Syempre eto ang dapat mong tandaan. Kahit gaano kahirap at kaimposible, dahil may pabor galing sa itaas; kaya mong magawa ang mga bagay na sa tingin ng iba hindi nila kayang magawa. Kahit ano pang pagkakamali o mga hadlang iba pa rin ang may haplos ng maykapal. Tiwala lungs.
Bakit hindi mo kailangang Sumuko?
Reviewed by Albert Hinkle
on
8:07 AM
Rating: 5
No comments