-->



The Ripple Effect Credits To Viddsee For Creating The Video






Ripple effect means the continuing and spreading results of an event or action.

This video shows that a simple act of random kindness to others can continue and is possible to find its way back to you.

Walang pinag-iba yan kung ano ang itinanim mo ay siya ring aanihin mo.

Sa bawat decision at mga actions na gagawin natin ay hindi lang buhay natin ang maaapektuhan.

Akalain mo bang babalik dun sa lalaki yung kabutihang ginawa niya ilang taon na ang nakaraan?


Dito ko rin narealize na ang bawat scenario o pangyayari sa buhay ng tao ay napakahalaga at konektado sa bawat isa lalo na sa perspective ng Diyos.

Ito ang napakagandang paliwang at sagot sa mga napakahirap nating tanong.

Bakit ako natanggal ng trabaho?

Bakit ako nagkasakit?

Bakit ako iniwan ng mahal ko?

Ito ang kasagutan sa ating mga Bakit.

May magandang dahilan ang lumikha sa lahat ng pagkakataon.


 Narealize ko, itong ripple effect na to ay isang napakagandang konsepto na nakapagbigay sa akin ng dahilan para lalo kung maunawaan kung bakit may mga pagkakataong hinahayaan ng Diyos na makaranas ang tao ng paghihirap.

Halimbawa na lang e kung hinayaan ng Maykapal na magahasa ang isang sanggol.

Maaaring sa ngayon hindi natin ito maunawaan pero what if kung ang layunin pala ng Diyos ay mauunawaan pa pagkatapos ng 10 taon?


Ang Tsunami sa Haiti ang kumitil sa napakaraming buhay sa mga nakatira doon.

Ano ang magandang dahilan ng Diyos kung bakit niya ito hinayaang mangyare?

Considering na ang Haiti ay isang pagan nation at kung ang layunin ng Diyos ay ang mailigtas ang mas maraming kaluluwa e naunawaan ko na kung bakit niya ito hinayaang mangyare.

Pagkatapos ang napaka saklap na trahedya, maraming mga kristyano ang nagbigay ng tulong sa mga taga Haiti.

At alam mo ba kung ano ang napaka amazing na nangyare? Madaming mga taga Haiti ang naging kristyano at tumanggap kay Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas.


Everything is well planned out. Lahat ay konektado.

And we can go on and on and on.. God created a world with free moral creatures that has an impact to one another with a law which says what we sow is what we reap..

So if you must sow, sow kindness and love. Parang boomerang lang yan, babalik at babalik sa takdang oras.

Maaaring hindi ngayon. Malay mo balang araw dumating din yun.


I Hope na inspire ka sa blog na to.. Don't Hesitate to share this to others..

Sincerely,
Albert Hinkle

Your Goodvibez Buddy

No comments