B for Belief - Makapangyarihan ang iyong paniniwala.
Kung ano ang laman ng iyong isipan siyang iyong patutunguhan.
Ang mga prinsipyo o sistema ito ma'y mali o tama na nabuo sa ating isipan ay magiging pundasyon ng ating pamumuhay.
Kung magiging positibo at maitatama ang ating mga paniniwala, tayo ay magkakaroon ng napakalaking pag-asang magtagumpay dahil kasama din dito ang ating pananampalataya.
Ang hindi pagsuko bagkus pagsusumikap.
Hindi takot kundi ang lakas ng loob na humakbang.
Kung ano ang iyong pinaniniwalaan yan ang iyong makakamtan.
Kung naniniwala kang hindi mo kaya tama ka.
Pero kung naniniwala kang magtatagumpay ka aba tama ka.
C for Commitment - Ang commitment ay sadyang salitang kaakibat ay ang tapusin kung ano ang layunin o pakay.
May consistency.
May persistency.
Hindi ito naaapektuhan ng pagod o discouragements.
Sadyang ang mga mata ng taong may commitment ay nakatuon lang sa mga bagay na nasa hinaharap.
Nagpapahinga siya pero hindi tumitigil sa pagpapatuloy.
Ang dala dala niyang prinsipyo ay hindi lang "i will try' o "i will do my best".
Ang dala dala niyay "i will do whatever it takes".
Kahit pa anong pagsubok o pagkabigo, kahit anong hadlang o pagkadapa; ang taong may commitment ay bumabangon para makapagsimula.
Mahuli man sa karera pero dahil nagpatuloy siya, sa finish line makakarating pa rin siya.
I Hope meron kang natutunan and don't hesitate to share this to others..
No comments