1. Ang isipan mo ay Resulta ng mga External na Factors.
Syempre, nung ipinanganak ka wala ka pang alam. Wala pang marunong magsalita at wala pang marunong magbilang. Ang laman ng ating isipan ay nakuha natin sa ibat ibang source. Anu-ano ba ito? I can think of 7 sources..
1. Galing sa Parents.
2. Pakikipagsocialize natin
3. Pagaaral natin
4. Pagbabasa
5. Panonood
6. Pakikinig
7. Experiences natin
Lahat yan ay nagcontribute at patuloy na nagdadagdag sa knowledge mo at sa pagbuo ng belief system mo. So marami tayong dapat pasalamatan dahil sa mga factors na yan, tayo ay naging tayo.
2. Ang isipan mo ay ang pinagmumulan ng iyong mga desisyon
Ang decision making mo ay nakabase sa pagtimbang mo sa kung ano ang nasa isipan mo at kung ano ang pinapahalagahan mo. Halimbawa, kung pipili ka sa dalawa ano ang mas mahalaga? Love or Money? Iba iba ang sagot natin jan dahil iba iba tayo ng pinapahalagahan. Kahit yung pakikisalamuha mo sa kapwa mo at kung paano mo sila pinakikisamahan ay nakabase din sa iyong mga paniniwala at paguugali na nahubog ng matagal na panahon. So, kung paulit-ulit ang mga pagkakamali mo e dapat iassess mo kung anong mga paniniwala o mindset ang pinagbabasehan mo ng mga decision making mo.
3. Ang isipan mo ang pipigil sa iyo para ikaw ay maging successful.
Kung ang isipan mo ang pinagmumulan ng iyong mga decisions at kung puro limiting beliefs ang laman nito e hindi na surprising kung mag fail ka at hindi mo ma experience ang success.
Sabi nga ni Henry Ford, “Whether you think you can, or you think you can't--you're right.”
Kung anong pinaniniwalaan mo, yun nga ang mangyayari sayo. Kung palagi mong sinasabi na "hindi mo kaya", hindi mo nga kakayanin. Kung palagi mong nakikita ang sarili mo na talunan, magiging talunan ka nga. Kung palagi mong naririnig sa isipan mo na "mahirap", magiging mahirap nga para sayo.
4. Ang isipan mo ang magdadala sa iyo sa tagumpay
“Almost every successful person begins with two beliefs: the future can be better than the present, and I have the power to make it so.”David Brooks
Kung ang mga decision mo ay nakabase sa isang isipan na positibo at may sapat na kaalaman, hindi magtatagal ay mararanasan mo ang Success. Starting today, believe that everything is going to be great. Maging grateful ka sa lahat ng pagkakataon. Maghanap ka ng mga bagay na maipagpapasalamat mo. Pagaralan mong mabuti kung paano makisama sa kapwa. Grow your self. Magkaroon ka ng commitment sa paglago ng iyong knowledge. Always remember, Right mindset will lead you to make the right actions and will eventually lead you to the right results. Kung gusto mong maging successful, dapat mong ayusin ang iyong kaisipan.
4 Na Bagay Na Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Iyong Kaisipan
Reviewed by Albert Hinkle
on
11:51 PM
Rating: 5
No comments