10 things I hate about Christmas Day
1. Yung inaanak mong namamasko pero hindi mo naman inaanak.
Yung parang ang sama sama mo pa pag hindi mo inabutan.
Love it.
2. Yung spaghetti nanaman yung handa niyo.
Birthday mo spaghetti.
Nung fiesta spaghetti.
Nung binyag spaghetti.
Nung araw ng patay spaghetti.
Pambihira pati yung binigay nung kapitbahay spaghetti pa din.
Maghahanda pa ba sa bagong taon?
Parang alam ko na e. Love ko to.
3. Yung sobrang haba ng pila sa cashier sa mga malls.
Yung tipong pagod na pagod ka na tapos gutom na gutom ka na
kaso pang isang daan ka pa.
Kaya pala extended ang mall hours pag pasko kasi extended
din ang sakripisyo mo.
4. Yung nag effort ka gumawa ng christmas greetings mo
sa facebook with video clip tapos seen zoned lang.
Sana man lang nagreply kahit thumbs up or ok diba?
5. Yung binigyan ka ng schedule so wala ka sa bahay sa noche
buena at bangag ka sa araw ng pasko.
Yung magpapasalamat ka na lang kasi yung iba walang
trabaho pero ikaw double pay.
Ok lang ba maghanap ng proxy?
Hati na lang kami sa double pay.
6. Yung required kang gumawa ng christmas presentation
kasi newly hired ka sa company.
Yung tipong kelangan mong sumayaw at mag costume.
Yung napapatanong ka kung celebration ba to o isang parusa.
7. Yung nasa ibang bansa ka kasi kelangan mong mag trabaho.
Natuwa ka naman kasi may facebook saka skype kaya nakikita
mo yung mga kamaganak mo nag cecelebrate lahat dito sa pinas.
Yung tipong pinapakita pa sayo lahat ng handa.
Hindi mo tuloy alam kung mahal ka talaga nila o tino torture
ka nila.
8. Yung tipong nagpaluto ka ng baby back ribs kay yaya para
hindi naman spaghetti ang handa,
Malaman laman mo na lang nasunog pa.
So balik ka ulit sa spaghetti ano pa nga ba.
9. Yung tipong gusto mong ifeel ang christmas season kaso ang na
feel mo yung stress ng heavy traffic.
Nagdadalawang isip ka tuloy kung totoo bang natutupad
yung wish mo pag nakumpleto mo yung simbang gabi kasi ang
hiniling mo mawala na yung traffic sa edsa.
Natutupad naman daw yun pero wag lang daw kalokohan ang
hilingin mo.
10. Lastly syempre ang pinaka-malufet.
Yung biglang dumadami ang kamaganak mo pagdating ng pasko.
Yung tipong galing pa raw sa mindanao at visayas para lang
batiin ka ng merry christmas.
Hindi ba pwede sa facebook na lang bumati?
or tumawag na lang sa phone?
Ang masaklap,
sila kilala ka nila pero sila hindi mo na maalala.
Announcement po for next year, magdala po kayo ng valid I.D.
at birth certificate.
Labyu.
No comments