-->


"Rain rain go away come again another day."

I remember eto palagi yung kinakanta namin nung bata kame lalo na pag weekends. kasi pag saturday or sunday yun yung time na nakakapaglaro kame sa labas ng bahay. Hindi pa kasi uso nun ang dota. Tapos biglang uulan lang? Saklap! Pero habang tumatagal natatanggap din ng tao ang mga bagay bagay sa buhay niya. Pwede naman palang enjoyin ang panahon ng tag-ulan. Natuto akong gumawa ng bangkang papel. Naenjoy ko ang pagligo sa ulan. At lalong enjoy na enjoy ang pagkain ng sopas at lugaw. Ikaw malamang ang favorite mong gawin pag umuulan e ang matulog.

 Ang life natin e parang panahon din. Minsan taginit minsan tagulan. Yung iba enjoy na enjoy pero yung iba badtrip na badtrip. Yung iba super saya yung iba naman super lungkot. Kadalasan, nasa desisyon na talaga natin kung anong gusto nating mangyare sa bawat pagkakataon na meron tayo. Pana-panahon nga talaga ang pagkakataon. Pero hinding-hindi na natin maibabalik ang kahapon. Naalala ko yung sinabi ni king solomon na "There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens" (Eccesiastes 3:1). There will come a time of discouragements, or heartaches sa life natin pero they will not stay forever. Its only a segment in our life. Ang mahalagang matutunan natin e how to enjoy every season. Kung nag-fail edi learn from it then move forward. Kung nasaktan edi iiyak lang ng isang balde tapos tama na. Be strong kasi paparating naman ang masayang season. Dapat hindi talaga  natin to makalimutan that God makes everything beautiful in its time. 


Ang tag-ulan ay bahagi ng buhay natin na hindi matatakasan. Hindi ito panahon ng pagsuko at kawalan ng pag-asa. Ito ang panahon upang turuan ang sarili natin na maging masaya sa bawat pagkakataon na meron tayo. So smile lang :)



home based business

No comments