-->



1. Mas maganda kung may kasama ka. Darating ang time na you need some assistance. Ang tawag dun e spotter. Kahit saang area ng life mo pag kinakapos ka kelangan mo ng spotter. Wag kang soloista. It is not good for man to be alone ika nga. Mas naenjoy ko din ang pagwowork out kasi may nakakausap ako saka may katawanan. Kaya kahit ano man ang ginagawa mo mas maganda may kasama ka.

2. Kelangan mo ng extrang lakas. Minsan, napansin ko na kelangan din uminom ng mga energy drinks kasi talagang kinakapos ako ng lakas. Yung tipong kahit may spotter ka e talagang hindi mo na kaya. Sa life natin minsan kelangan din natin ng extrang lakas na nanggagaling sa inspirasyon at lalong lalo na sa mga pangako ng Maykapal. Sa mga panahong hindi mo na kaya, tignan mo lang ang ganda ng hinaharap. Wag kang susuko. Kaya mo pa!

3. Wag ningas kugon. Marami ng nagsabe na magwowork out sila pero after one week or two weeks ayun sumusuko agad. Hindi naman yan pabigatan ng nabubuhat or patagalan ng haba ng wino work out e. Dapat tuluy-tuloy ka. Hindi mo lang dapat gawing hobby. Dapat gawin mo ng habit. Why? kasi Consistency turns hobby into lifestyle. So anuman ang nasimulan mo tapusin mo.

4. Mas magandang nakikita mo ang accomplishments mo kahit maliit pa lang. Kaya napakahalaga ng salamin sa gym kasi nakikita mo agad yung pinaghirapan mo. Alam mo yung nakaka isang set ka pa lang e lobo na agad nung muscles mo? Kahit anuman ang ginagawa mo dapat napapansin mo rin yung mga natatapos mo or naaaccomplish mo. Magkakaroon ka kasi ng dagdag sigla at inspirasyong magpatuloy kung alam mong may nangyayare kahit papaano.


5. Posibleng mangyare sayo ang nangyare sa iba. Dati palagi ko lang tinatanong sa mga nagwowork-out kung kaya din bang maging tulad nila yung katawan ko. Ang palagi nilang sagot e, "OO". Nagsisimula ang lahat sa mindset mo. Kung naniniwala kang posibleng mangyare sayo ang nangyare sa kanila e mangyayare nga yun. Hindi ka titigil kasi alam mong kaya mo. Kung kaya nilang maging honor student aba e kaya mo din kung maniniwala ka. Kung kaya nila pumayat aba kaya mo din. Parehas lang kayong tao. Unless alien ka.

6. Dapat may goal ka. Natural dapat may tinatarget kang katawan. Sa gym makakakita ka ng mga pictures ng mga model para sila ang gagayahin mo. Wala ka namang makikita dun na sobrang malnourished e. Kapag gusto mong mawala belly fats mo e syempre may tamang diet at work out jan. Kahit anuman ang gusto mong abutin magagawa mo kung alam mo kung ano yun.

7. Hindi lang dapat ikaw ang nakikinabang sa narating mo. Kapag may naaaccomplish ka maraming naiinspire sayo. Masasabi rin nila na posible ngang mangyare kasi nangyare sayo. Dapat matutunan natin na ang mga achievements natin e hindi natin dapat sarilinin. Dapat mag encourage din tayo ng iba. Ituro natin ang napagdaanan natin. Ishare natin ang tips at mga sikreto. Pay it forward ika nga. Dati kasi may naglaan din ng oras sayo para marating mo kung anu man ang narating mo. Matutong magpasalamat at tumanaw ng utang na loob.

8. Ndi ka dapat insecure sa iba. Marami kang makikitang ibat ibang klaseng tao sa gym. Syempre karamihan dun e magaganda na ang katawan sa tagal na nilang nagwowork out. Dapat hindi ka ma insecure sa kanila. Gawin mo silang inspirasyon para ganahan kang magpatuloy. Kahit saang aspect ng buhay natin dapat hindi tayo nagpapaapekto negatively ng accomplishments ng iba. Wag matakot ishare ang secrets dahil baka mahigitan ka ng iba. Maging masaya tayo kung may mas nakakaangat sa atin lalo na kung may naibahagi tayo sa kanila.

9. Kaya mo palang magawa ang higit sa limit mo. Hanggat hindi mo susubukan hindi mo malalaman. Sa simula magaan lang. Tapos unti unti mo ng dinagdagan ang timbang ng binubuhat mo. Hanggang sa dadating ang araw na hindi mo naimagine na kaya mo pala. Minsan talaga kelangan nating maglakas loob sumubok at maglakas loob na itulak ang sarili natin gumawa ng mga bagay na hindi pa natin nagagawa. We must have the courage to go out of our comfort zones. Wag matakot gumawa ng mahihirap na bagay. Wag matakot sa pressure.


10. Kelangan mo ng Taga Encourage sayo. Aaminin ko, nung nagstart pa lang ako mag work out dumating yung time na tinatamad akong magpunta sa gym. Pero buti na lang may nagtyaga sakin na mangulit. Palagi kang aayain. Itetext ka tara buhat na tayo. Pag sinabi mong hindi mo na kaya sasabihin niya, "Isa pa". Mas nakakagana ding kasing mag work out pag may nagsasabe sayo na ang laki na ng improvement. Totoo naman talaga kasi. Kahit saan bagay kapag may nakaappreciate sayo sa mga nagagawa mo mas gaganahan ka pa. Kaya kahit anuman ang gusto mong iaccomplish o gustong abutin make sure na may mga tao nakapaligid sayo na handang iencourage ka at iappreciate ka. Wag kang titigil. Tuluy-tuloy lang. Kaya mo!


home based business

No comments