-->




           Tong its, pusoy, lucky 9, pusoy dos, pares pares, unguy-unguyan, at syempre ang poker.

Yan ibat ibang klase ng laro na natutunan ko sa paglalaro ng baraha.

Actually, nakakalaro lang ako nyan pag may nakaburol hehehe.

Magkakaiba sila kung paano laruin pero they have something in common.

Palagi kang walang kasiguraduhan kung anong cards ang makukuha mo.

Pwede kang manghula or mag assume.

Naisip ko lang na ang buhay pala natin ay parang laro ng baraha.

May oras na maganda ang naibibigay sayo pero minsan naman ang sagwa. 



The problem is maraming tao ang umaayaw na kasi ang pangit ng nakuha niyang baraha.

May card ng discouragement, may card ng disappointments, sinamahan pa ng card ng heartache, dumagdag pa si failure edi wow.

Napapatanong ka na lang ng, "Bakit ganito?", o kaya naman, "Bakit ako?".

 So anong gusto mo pati kami ganun? 



The thing is, isa lang ang deal na makukuha natin dahil iisa lang naman ang buhay natin tapos ifofold mo lang?

Hindi porket pangit na ang nakuha mong baraha e ibig sabihin pangit na siya forever.

Don't forget na sa buhay natin pwede tayong humirit ng humirit.

Yes maaaring pangit ang combination ngayon ng baraha mo pero kung hindi ka hihinto sa kakahirit mo at kakasubok mo e darating din ang magandang baraha ng kapalaran.

You need to make the most out of what you have right now and wait for the next card.

Dadating din yung kapares ng baraha mo para tumodas ka na.

Mabubuo mo din yung apat na alas mo magantay ka lang.

Makukuha mo din ang Dos mo at pupusoy ka din.

Wait patiently.

Humirit ka lang ng humirit.

Darating din si forever mo tiwala lang.

Darating din ang breaktru mo konting tiis na lang.

Tandaan mo, hindi mo kontrolado ang baraha ng kapalaran pero hindi ka din kontrolado nito.

Nasa yong lakas ng loob, pananalig sa Maykapal, at pagtitiis nakasalalay ang magandang bukas na sa iyo'y nagaantay.

So dont fold.

Go for it!

Fight!

ALL IN!

Win it!


home based business

No comments