1. Dahil hindi ka si Robocop. Hindi lahat ng oras healthy ka at walang sakit. Remember, No work No pay ka. Pag nag negosyo ka, magkakaroon ka ng empleyado mo na gagawa ng trabaho kahit wala ka. 2. Dahil hindi ka daga. Daga lang ang inilalagay sa rat race at pinatatakbong paikot ikot. Ang buhay mo ay parang ganyan kung ang source of income mo ay from employment lang. Kinsenas katapusan with matching expenses. Pag minalas malas ka pa e with additional utang pa. Pag nag negosyo ka, mas malaki ang pwede mong kitain kapag mas magaling ka o mas mahusay ka. 3. Dahil hindi ka alipin. Wala kang magagawa kundi sumunod sa kompanya mo dahil hindi naman ikaw nag mayari nyan. Hindi mo hawak ang oras mo at hindi mo basta basta magagawa ang gusto mo. Pag nag negosyo ka, ikaw ang boss. You call the shots.
4. Dahil mahalaga ang oras mo. Maikli lang ang buhay. Kung 8 hours ka sa office at limang araw kang pumapasok e malaking panahon ang ginugugol mo. 40 hours kang nagtatrabaho sa loob ng isang linggo. 160 hours sa isang buwan. 1920 hours a year. Kung 10 years ka ng nagtatrabaho e ibig sabihin 800 days kang malayo sa pamilya mo o mahigit sa 2 taon kang namiss ng mga anak mo. Pag nag negosyo ka, hawak mo ang oras mo. Pwede mong gawin ang negosyo mo habang kasama mo ang mahal mo sa buhay. 5. Dahil inaantay ka ng mga pangarap mo. Hindi ka naman nabuhay para lang mag survive. Nakita mo ang mga pangarap mo hindi para tuksuhin ka at lalong pahirapan ang damdamin mo. Nakita mo ang mga yan dahil ikaw lang ang maaaring makapag bigay buhay sa kanila. Pag nag negosyo ka, posible mong maranasan ang kalayaan sa aspetong pinansyal. Yung tipong kakain ka sa restaurant na hindi ka na titingin sa presyo ng mga pagkain. Yung kahit saan mo gustong magpunta e napupuntahan mo. Masarap kaya sa feeling yung ikaw na ang nagbibigay sa parents mo ng pera. Nabibili mo yung sasakyan na dati nakikita mo lang edsa habang traffic. Nasa kamay mo ang kapalaran ng iyong mga pangarap. Ang tanong e bubuhayin mo ba sila o papatayin mo?
Did You Like This Article? Please do share this because Sharing is Caring!
Oh! By the way, Kung gusto mong matutong magstart ng sarili mong Online Business then You should watch my FREE VIDEO TRAINING HERE BELOW!
5 Dahilan Bakit Kailangan Mong Matutong Mag-Negosyo
Reviewed by Albert Hinkle
on
12:45 PM
Rating: 5
No comments