1. Makinig ka lang muna.
Pag may kausap ka lalo na yung kaibigan mong humahagulgol sa kakaiyak dahil sa nilalabas niyang sama ng loob at problema e makinig ka lang muna ng maige. Wag ka muna mag paka kuya kim na you know it all ang peg. Hayaan mo munang si bez ang bida sa takilya.
2. Kampihan mo muna siya.
Kahit na mali pa ang naging desisyon niya, wag mo muna siya sermonan. Pero syempre wag mo naman sabihin na tama yung ginawa niya. Just look for points na pwede mong banggitin sa kanya na hindi mo siya kinokontra. For example, pag sinabe niya na, "Binigay ko naman lahat pero bakit ganun? mali bako?" Wag mo muna barahin at murahin si beshy. Sabihin mo lang na ganun talaga kasi nagmahal ka ng todo at totoo. Hindi mali ang nagpakatotoo ka.
3. Habaan mo ang pasensya mo.
Alam mo yung paulit-ulit na siya ng sinasabe at alam na alam mong ang tanga tanga niya na? Pero kahit pa ganun wag kang maiinis sa kanya. Unang-una isipin mo na sa dinami-dami ng matatakbuhan niya ikaw ang napili niya kasi nga feeling niya matutulungan mo siya. Yakapin mo lang siya at ipadama mo na willing kang makinig at samahan siya kahit pa basang-basa ka na ng luha at sipon niya. Pero kung lalaki kayo parehas wag na lang sa public ang akward nun.
4. Gumamit ka ng Minimal Encouragement.
Imbis na gamitin mo yung effort mo kaka talak at kakasermon sa kanya dahil sa kashongahan niya, try mo lang iapply yung tinatawag ni Robert Bolton sa book niyang People Skills na Minimal Encouragement. Minimal encouragement are simple responses that encourages the speaker to tell his story in his way yet keep the listener active in the process. Yung simpleng “mm-hmm” or “Please continue. I’m listening and I understand.”
Ipadama mo kay beshy na gusto mong marinig lahat ng sasabihin niya kahit nakakairita pa.
5. Magbigay ka ng words of Encouragement and Comfort.
Wag mong kalimutang sabihin sa kanya na malalagpasan niya to. Sabihin mo sa kanya yung mga kalakasan niya. Kadalasan kasi pag nagmahal ng todo ang tao nakakalimutan niya na kung sino siya at kung anong meron siya. Ipaalala mo sa kanya kung gaano siya kaganda. Remind mo siya na sa dami ng pinagdaanan niya napakatatag niyang tao. Tell her her strengths. Bigyan mo din siya ng assurance na hindi mo siya iiwan. Sasamahan mo siya hanggang sa huli. At cempre mas maganda kung ipagpepray mo siya.
No comments