-->


Credits To Brian Tracy 





Trait#1: Self-Disciplined.

Yung mga Successful na Negosyante or mga Entrepreneurs ay sanay sa disiplina. Sinasanay nila ang mga sarili nila sa hirap. Meron silang self control. Hindi sila padalos dalos sa decision at makikita mo sa attitude nila na sila ay may pasensya.


Trait#2: Integrity.
Ang lahat ng activity na ginagawa natin sa pakikisalamuha sa kapwa ay nangangailangan ng pagtitiwala. Syempre, lalo na kung ito ay tungkol sa pagnenegosyo o mga bagay na may perang pinaguusapan. Ang katangian ng mga successful na entrepreneurs na dapat mong makuha ay meron silang Integridad. Sila ay Trustworthy. Hindi ka nila lolokohin. At kung anong pinausapan niyo ay hindi niya ito babaguhin.


Trait#3: Persistence.
Sa tagalog ito ang tinatawag na pagtitiyaga. Ano ba ang persistence? Persistence is a firm or obstinate continuance in a course of action in spite of difficulty or opposition Sa madaling salita, ito ang pagtitiis at pagpapatuloy sa iyong ginagawa kahit na mahirap o may pagsubok na nararanasan. Ang mga successful na negosyante ay may ganitong katangian.


Trait#4: Clear Sense Of Direction.
Isa din sa napakahalagang katangian ng mga successful na entreprenyur ay meron silang malinaw na direksyon. Meron silang short term at long term goals. Meron silang nakikitang vision na dapat tahakin ng kanilang organization o ng kanilang mga negosyo.



Trait#5: Decisive and Action Oriented.
Ang mga successful na tao ay mga decisive at action oriented. Hindi sila napaparalyze ng kaka analyze nila. Hindi sila puro plano. Sila yung mga tao na sumusubok agad. Sila din ang mga taong madaling natututo dahil nararanasan nila agad ang maraming bagay maging ang pagkakamali. Sila din ang mga taong napakabilis magtagumpay dahil ginagawan kaagad nila ng action at adjustment ang kanilang mga shortcomings o kanilang mga maling decision.

Kung may natutunan ka dito sa blog na ito then please dont forget to share this and i would love to here your comments in the comment section below..

Kung gusto mo naman maging isang Entrepreneur pero hindi mo alam kung paano magsimula,

You can watch my 3 Video Training series here for FREE..



No comments