-->







Paano ba ang tamang approach sa selling o pagbebenta?

Problem: Maraming tao ang hindi makapagsimulang magnegosyo dahil takot na takot silang magbenta at may maling mindset about selling.

Pero kung maitatama lang ang mindset nilang ito ay magiging successful sila sa Selling.

I will be sharing Two Right Mindsets in Approaching Selling



1. Selling is about Sharing.
Yung tipong ang dami mong excuses na sinasabe like hindi mo linya to or wala kang experience about selling and business. Pero madali lang naman ang pagbebenta. Ito ay sharing lang. Siguro naman nakapanood ka na ng movies.. Hindi ba pag sobrang ganda nung napanood mo e sobrang excited kang ishare yun sa friends mo at gusto mo panoodin din nila? Ganun lang kasimple ang pagbebenta. You just have to share it.


2. Selling is about Helping.

Yung nagaalangan kang mag alok at magbenta kasi feeling mo baka isipin nila pagkakaperahan mo lang sila at uutakan mo lang sila.. Hindi ganun ang selling. Ang pagbebenta ay pagtulong sa kapwa. Kelangan mo lang alamin kung anong problema ang kayang solusyunan ng product or services na inaalok mo at hanapin yung mga taong nangangailangan nito. Halimbawa na lang kung ang product mo ay pampapayat. Syempre ang bebentahan mo nito ay yung mga taong nahihirapan magpapayat at may kabigatan ang timbang. Ganun lang siya kasimple.

Lesson 1: How To Experience Time Freedom And Financial Freedom - The Cashflow Quadrant



No comments