Ang Negosyo sa Pinas ay Hindi para sa Lahat ng Tao. May dalawang klase ng tao at baka ikaw ang isa rito. Ang Planners at ang Doers. Ang Planners ay ang mga tao na puro plano. Inaantay muna nilang maging perpekto ang lahat bago sila gumawa ng desisyon o hakbang. Para silang mga arkitekto na puro lang drawing pero wala namang bahay na nagagawa. Wala silang lakas ng loob magsimula at mag take ng risk. Puro sila pangarap pero wala naman silang ginagawa para abutin ito. Ang Doers naman ay ang mga taong may lakas ng loob humakbang kahit hindi perpekto ang lahat ng bagay. Naniniwala sila na ang maxadong pag aanalyze ay nakakaparalyze lang. Tulad ng sinabi ni Orrin Woodward “Analysis paralysis occurs when you overthink and underwork.” Hindi sila mahilig sa drawing. Naniniwala sila na ang paghakbang papunta sa goals nila ang makakatulong para maabot nila ito. Meron din silang mga pangamba pero sa kabila ng mga pangamba na yan ay pinili pa rin nilang humakbang at magdesisyong mag simula at sumubok. Ang Negosyo sa Pinas ay Hindi para sa Lahat ng Tao. Ito ay para sa mga Doers lang. Hindi ito para sa mga planners. The question is, do you have a Doer Personality? Or are you planner?
Hindi ibig sabihin, mali ang pagpaplano. Ang isang Doer ay may plano din pero siya ang taong hindi nananatili sa plano lang. Be a Doer. Kahit anong mangyari wag kang magpapigil sa negatibo mong opinion. Maglakas ka ng loob humakbang. “You don't have to be great to start, but you have to start to be great”― Zig Ziglar
Ang Negosyo sa Pinas ay Hindi para sa Lahat ng Tao
Reviewed by Albert Hinkle
on
8:57 PM
Rating: 5
No comments