-->





Maraming bagay ang nahihirapan tayong gawin.

*Siguro nahirapan ka sa math. 

Siguro nahihirapan kang mapa-sagot yang nililigawan mo. 

Siguro nahihirapan kang ihinto yung pag-yoyosi mo. 

Siguro nahihirapan kang matulog ng maaga. 


*I mean i can go on and on dahil sobrang dami niyan.

*Isa sa bagay na hirap na hirap ang karamihan na magawa ay ang pag-iipon.

*Well ang totoo, kapag sinabe nating nahihirapan tayong magipon e ibig sabihin nun hindi talaga tayo makapagipon.

*Magkaiba kasi yung literal na nahihirapan ka habang ginagawa mo ang isang bagay kumpara sa nahihirapan kang gawin ang bagay na yun kaya hindi mo siya magawa. 

*Parang ganito, 



*Nahihirapan ka monthly expenses niyo dahil nagpahiram ka ng pera kumpara sa nahihirapan kang magpahiram ng pera kasi baka mahirapan ka sa monthly expenses niyo.



*Malamang ang iba nga sa bumabasa nito e hindi interesado dito. 


Bakit? 

E kasi hindi naman bago yan. Hindi na rin masyadong interesting sa pandinig. 

Yung tipong sasabihin mo na lang e "Alam Ko na yan". 


*Pero kung alam mo nga to e bakit kaya nahihirapan ka pa ding makaipon?



*I can think of several reasons bakit nahihirapan ang madaming tao sa pagiipon and kapag nalaman mo to, 



*Makakatulong to sayo para makagawa ka ng steps mo para nang sa ganun e makapagipon ka na after 48 years.



*So Bakit Ba Nahihirapan kang Magipon? 


*𝙉𝙤:1 𝙞𝙨 𝙆𝙖𝙨𝙞 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙥𝙤𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙥𝙤𝙣.

Ang pagiipon habit yan. Ibig sabhin yan yung nakasanayan mo. Nakakasanayan mo ang isang bagay kung paulit ulit mo itong ginagawa sa mahabang panahon. 


*Lahat naman ng habit natin hindi naman innate. ibig kong sabihin e hindi naman tayong pinanganak na adik agad sa alak or magaling agad kumanta. 


*Which means ang mga nakasanayan natin or nakagawian e resulta ng mga external na impluwensya or input.

*Anu ano ba tong mga impluwensyang ito?

*Anjan ang magulang mo, teacher mo, kaibigan mo, ang media, mga books na binabasa mo, at mga taong hinahangaan mo.

*Jan nanggagaling ang mga nabubuo nating mga prinsipyo at opinyon natin sa buhay at base sa mga paulit ulit nating pagiisip at pagpoproseso ng nabuo nating way of thinking natin e nakalilikha tayo ng Habit. 

*Which means, hindi mo kasalanan kung hindi mo nakasanayan ang pagiipon. Pero kasalanan mo na yun kung hindi mo sasanayin ang sarili mong magipon.

*So to answer the question kung bakit nahihirapan kang magipon? E kasi nga hindi mo nakasanayan magipon ang nakasanayan mo yung hindi magipon.

*Para makasanayan mo e dapat ipractice mo ng ipractice. Hindi naman kasi pinaguusapan na malaki ang ipunin mo. Ang point, para makabuo ka nang habit nayan e dapat magawa mo siya ng paulit ulit sa mahabang panahon.

*So Bakit Ba Nahihirapan kang Magipon?

*𝙉𝙤:2 𝙆𝙖𝙨𝙞 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝘼𝙡𝙖𝙢 𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙥𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙈𝙖𝙜𝙞𝙥𝙤𝙣

*E kaya naman nahihirapan kang magipon e kasi hindi mo talaga alam kung papaano. 
*I mean pano ka gagawa ng blueberry cheesecake kung hindi mo naman alam kung papaano gumawa nun?
*In the same way, maraming tao ang hirap na hirap na magipon kasi nga hindi nila alam kung papano.
*E papano ba ang magipon? 

Well, iba iba ang pamamaraan ng ibat ibang tao sa pagiipon. Katulad ko, im a christian so tinatabi ko ang tithes ko which 10% ng income ko then itatabi ko din ang 20 to 30% ng kita ko para sa savings then ang matitira e yun na ang gagamitin kong panggastos ko.

*Now, you dont have to be legalistic na nakakahon ka jan sa pattern na yan. Pwedeng mas mababa ang savings mo or mas mataas. Depende sayo. 

Ang mahalaga lang e masimulan mo na ang pagiipon mo at may paninindigan ka sa gagawin mong standard mo. 

*So Bakit Ba Nahihirapan kang Magipon? 

*𝙉𝙤. 3 𝙆𝙖𝙨𝙞 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙮𝙪𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙞𝙞𝙥𝙤𝙣

*Lahat ng decisions natin ay base sa ating Value Judgment.

*Value judgment means ito yung mga decision na ginagawa natin na nakabase sa importance or kahalagahan ng isang bagay. Kung ito ba ay mabuti o masama. 

*Napakagaling ni Lord kasi binigyan niya tayo ng talino na makapaglikha ng mga konsepto at kung paano natin ito naiaapply sa buhay naten. 

*Tulad na lang ng Value. Jan natin naikukumpara ang dalawang bagay at napakagaling nating mag timbang kung alin ba rito ang mas mahalaga.

*Which leads me to my point. 

*Kaya nahihirapan kang mag ipon kasi baka hindi mo pa makita yung kahalagahan nito sa buhay mo, sa pamilya mo, at sa future mo.

*Ano ba ang mga benefits ng pagiipon?

*Well una, pag nagipon ka, makakatulong sayo yan para maging financially independent ka. Hindi mo kelangan manghiram sa oras na kapusin ka kasi nga may nakatabi kang pera.

*Pangalawa, hindi ka magaalala kung may dumating na emergencies. Isa sa naexperience ko before yung hirap ng feeling kapag nagkasakit ka at walang kang budget para magpagamot. 

*Ang hirap kaya manghiram sa mga kamaganak. Kung anu ano pang sasabihin sayo so kung ayaw mong may masabi sayo e pagaralan mo na ang magipon.

*Pangatlo, pag nawalan ka ng trabaho e may backup ka. Maraming ganyan. Nagpakasaya nung may trabaho ayun nung nawalan ng trabaho walang naitabi tapos hihingi nanaman sa magulang ng pang apply sa trabaho. 

*So Bakit Ba Nahihirapan kang Magipon? 

*𝙉𝙤:4 𝙆𝙖𝙨𝙞 𝙈𝙖𝙨 𝙈𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙂𝙖𝙨𝙩𝙪𝙨𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙆𝙚𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙄𝙣𝙘𝙤𝙢𝙚 𝙢𝙤

*E kahit pa gustuhin mong makaipon e hindi mo naman magagawa yun kung sandamakmak ang expenses mo tapos ang sahod mo naman ganun pa din hindi naman tumataas.

*E ang taas na kaya ng mga bilihin ngayon.

*So pano ngayon un? E isa lang ang paraan. Humanap ka ng dagdag na pagkakakitaan mo. 

Wag mong hayaan na lumipas ang buwan na hindi madagdagan ang sahod mo. 

Sobrang dami na ngayon ng pwedeng ibenta so wala ka nang magiging dahilan para hindi mo madagdagan ang kita mo. 

*Magtinda ka ang leche flan. 

Magtinda ka ng cup cake. 

Magtinda ka ng mga pabango. 

I mean magpunta ka lang sa divisoria e sangkatutak ang pwede mong ibenta. 

*Humanap ka ng paraan para madagdagan yung income mo at wag ka lang magantay may mangyare himala sa sahod mo.

*Umaksyon ka. 

*So Bakit Ba Nahihirapan kang Magipon? 

*𝙉𝙤. 5 𝙆𝙖𝙨𝙞 𝙡𝙪𝙢𝙖𝙡𝙖𝙥𝙞𝙩 𝙠𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙏𝙪𝙠𝙨𝙤

*Lahat naman tayo may ibat ibang mga kahinaan. yung iba marupok pagdating sa pagkain. pag nakakita ng matatamis sira na ang diet. 

Yung iba naman marupok pagdating sa mga babae kaya ang dami nilang mga minamahal. 

May number 1 may number 2 may number 3. 

*Pero chong, kung alam mo na ngang mahina ka jan aba e wag ka nang tumambay sa lugar kung saan matutukso kang gawin ang kahinaan mo.

*My gudness! papaano hindi ka mahihirapan magipon e sama ka nag sama sa mga office mates mo pagkatapos ng office hours. 

Alam mo na nga na kain kayo ng kain at siguradong may inuman tapos sasama ka pa din. 

I mean walang problema yan kung once a month pero kung gabi gabi na yan e no wonder wala kapang ipon. 

*Papaano kang makakaipon e panay ang punta mo sa mall? Sabi mo mag wiwindow shopping ka lang e kaso kada uwi mo may bitbit kang binili mo.

*Check ka ng check kay Shopee at Lazada sabi mo nag checheck ka lang kung anong mura e ilang araw lang may kumakatok na sa bahay niyo na nagdedeliver ng mga binili mo.

*Kung alam mo na kung saan ka napapagastos e iwas iwasan mo na yun para makaipon ka.

*So Bakit Ba Nahihirapan kang Magipon? 

*𝙉𝙤. 6 𝙆𝙖𝙨𝙞 𝙒𝙖𝙡𝙖 𝙆𝙖𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙁𝙞𝙣𝙖𝙣𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙂𝙤𝙖𝙡𝙨 𝙎𝙖 𝘽𝙪𝙝𝙖𝙮

*Kaya ka hirap na hirap magipon kasi wala ka namang dahilan bakit mo ito gagawin. 

*Bakit nga ba ako magiipon? 

Yes alam ko na mahalaga yun pero bakit nga? 

*The word is Purpose. 

*Pag may purpose ka kasi magkaka direction ka. 

May goals ka. May target ka. Kapag may target ka may focus ka. 

At kapag may focus ka jan na papasok ang setting of priorities. 

*Kapag may goal ka kasi, ituturing mong yan ang pinaka valuable kumpara sa iba. 

Mas matimbang yan at mas mahalaga. 

*At dahil meron kang napakahalagang purpose at goal e ito yung magbibigay sayo ng motivation at disiplina para mag ipon.

*Meron ka bang financial goals? 

*Anu ano ba ang mga pwedeng gawing financial goals?

*Pwedeng retirement fund mo. 

Pwede ring para sa college education para mga anak mo. 

Pwede ding para sa sarili niyong bahay. 

Pwede ding para sa emergency funds niyo. 

Pwede din savings para sa business venture. 

*Ang mahalaga meron kang purpose kung bakit ka magtatabi or magiipon. 

*So tandaan mo yang 6 na dahilan kung bakit ka nahihirapang magipon at ang mga Actions steps para ma counter mo ito.

*𝙉𝙤: 1 𝙞𝙨 𝙆𝙖𝙨𝙞 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙥𝙤𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙥𝙤𝙣.



*𝘼𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙨𝙩𝙚𝙥: 𝙁𝙤𝙧𝙢 𝙩𝙝𝙚 𝙝𝙖𝙗𝙞𝙩 𝙤𝙛 𝙨𝙖𝙫𝙞𝙣𝙜

*𝙉𝙤: 2 𝙆𝙖𝙨𝙞 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝘼𝙡𝙖𝙢 𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙥𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙈𝙖𝙜𝙞𝙥𝙤𝙣



*𝘼𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙨𝙩𝙚𝙥: 𝙋𝙧𝙖𝙘𝙩𝙞𝙘𝙚 𝙩𝙝𝙚 10 20 70 𝙋𝙧𝙞𝙣𝙘𝙞𝙥𝙡𝙚.

*𝙉𝙤. 3 𝙆𝙖𝙨𝙞 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙤 𝙈𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙮𝙪𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙞𝙞𝙥𝙤𝙣

*𝘼𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙨𝙩𝙚𝙥: 𝙍𝙚𝙢𝙞𝙣𝙙 𝙮𝙤𝙪𝙧𝙨𝙚𝙡𝙛 𝙖𝙗𝙤𝙪𝙩 𝙩𝙝𝙚 𝙞𝙢𝙥𝙤𝙧𝙩𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙩𝙝𝙚 𝙗𝙚𝙣𝙚𝙛𝙞𝙩𝙨 𝙤𝙛 𝙨𝙖𝙫𝙞𝙣𝙜



*𝙉𝙤: 4 𝙆𝙖𝙨𝙞 𝙈𝙖𝙨 𝙈𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙂𝙖𝙨𝙩𝙪𝙨𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙆𝙚𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙄𝙣𝙘𝙤𝙢𝙚 𝙢𝙤

*𝘼𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙨𝙩𝙚𝙥: 𝙁𝙞𝙣𝙙 𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧 𝙬𝙖𝙮𝙨 𝙩𝙤 𝙞𝙣𝙘𝙧𝙚𝙖𝙨𝙚 𝙮𝙤𝙪𝙧 𝙞𝙣𝙘𝙤𝙢𝙚. 



*𝙉𝙤. 5 𝙆𝙖𝙨𝙞 𝙡𝙪𝙢𝙖𝙡𝙖𝙥𝙞𝙩 𝙠𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙏𝙪𝙠𝙨𝙤

*𝘼𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙨𝙩𝙚𝙥: 𝙐𝙢𝙞𝙬𝙖𝙨 𝙠𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙖𝙩 𝙨𝙘𝙚𝙣𝙖𝙧𝙞𝙤 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙠𝙨𝙤 𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙢𝙖𝙨𝙩𝙤𝙨



*𝙉𝙤. 6 𝙆𝙖𝙨𝙞 𝙒𝙖𝙡𝙖 𝙆𝙖𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙁𝙞𝙣𝙖𝙣𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙂𝙤𝙖𝙡𝙨 𝙎𝙖 𝘽𝙪𝙝𝙖𝙮*𝘼𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙨𝙩𝙚𝙥: 𝘾𝙧𝙚𝙖𝙩𝙚 𝙮𝙤𝙪𝙧 𝙛𝙞𝙣𝙖𝙣𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙜𝙤𝙖𝙡𝙨

*If you will take action and you will apply the actions steps then its going to be easier for you to save money. 

*I hope may naitulong ako sayo. 

*Til next time.. 


Oh! Before i Forgot.. Meron nga pala akong FREE VIDEO TRAINING na pwede mong mapanood para Matutunan mo Kung Paano Ba Makapag Setup ng Sarili mong Online Business. 


No comments