-->


Ang dati nating schools may gate, 

ang friends na pwede mong iadd sa facebook may limit, 

ang malawak na karagatan may dalampasigan, 

ang pasensya mo may hangganan, 

at kahit nga ang relationships walang forever diba?

Halos lahat ng bagay na nageexist e may limit at hangganan. 

Si Lord lang naman ang eternal.

In english we call them 𝘽𝙤𝙪𝙣𝙙𝙖𝙧𝙞𝙚𝙨. 

Ang sabi ni google dictionary ang Boundaries daw is 𝙖 𝙡𝙞𝙣𝙚 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙧𝙠𝙨 𝙩𝙝𝙚 𝙡𝙞𝙢𝙞𝙩𝙨 𝙤𝙛 𝙖𝙣 𝙖𝙧𝙚𝙖; 𝙖 𝙙𝙞𝙫𝙞𝙙𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙣𝙚.

So ano naman ngayon ang RELEVANCE nyang Boundaries na yan aber?

Well, malaki actually.

At sobrang Crucial lalo na kung inaasam mong maging Successful kang Individual.

Bakit?

Kasi maraming tao ang Hinding Hinding Hindi magiging Successful kailanman alam mo kung baket?

Hindi sila magiging Successful dahil hindi sila nakalabas sa mga boundaries nila.

Pero kung gusto mong maabot ang mga Pangarap mo at maging isang Successful kang Individual then you must Go Beyond Your Boundaries.

Pero teka muna koya, hindi naman lahat ng boundaries masama ah.

Tama ka. May mga boundaries na nagbibigay ng benefits sa atin pero meron din namang mga boundaries na nakakasama.

Anu ano ba ang mga Boundaries na nakakasama at pumipigil sayo para maabot mo ang pangarap mo?

𝙒𝙚𝙡𝙡 𝙞 𝙘𝙖𝙣 𝙩𝙝𝙞𝙣𝙠 𝙤𝙛 3 𝙩𝙝𝙞𝙣𝙜𝙨.

 𝙔𝙤𝙪𝙧 𝘿𝙞𝙛𝙛𝙞𝙘𝙪𝙡𝙩 𝙎𝙞𝙩𝙪𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣, 𝙊𝙩𝙝𝙚𝙧 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚𝙨 𝙫𝙤𝙞𝙘𝙚𝙨, 𝙖𝙣𝙙 𝙮𝙤𝙪𝙧 𝙡𝙞𝙢𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙚𝙡𝙞𝙚𝙛.

Kapag nahirapan kasi ang tao sa sitwasyon niya e kadalasan sumusuko na siya.

Ang iba naman mahilig makinig sa negatibong opinyon ng ibang tao.

Ang karamihan naman e pinipigilan mismo ng sarili nilang negatibong pananaw.

E bakit ba maraming tao e nananatili sa loob ng boundaries nila kahit naman alam na nila na ito yung pipigil sa kanila para maabot nila ang mga pangarap nila?

E kasi chong napamahal na sila. Pinanganak na silang ganun. 

Lumaki at tumanda silang ganun. Ang mga kamaganak at kaibigan nila ganun din so sila ganun na lang din.

Another thing is dahil natatakot silang magkamali, masaktan, at mabigo. 

E kung hahayaan mong mabuhay na punong puno ng takot at pagkanegatibo e talagang hindi ka nga makakalabas jan kalagayan mo.

Papaano ka ba Makakalabas sa Boundaries mo Para Maabot mo ang mga Pangarap mo?

1. 𝘾𝙤𝙣𝙫𝙞𝙣𝙘𝙚 𝙔𝙤𝙪𝙧𝙨𝙚𝙡𝙛 𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩 𝙏𝙝𝙖𝙩 𝙊𝙪𝙩𝙨𝙞𝙙𝙚 𝙞𝙨 𝘽𝙚𝙩𝙩𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙖𝙣 𝙞𝙣𝙨𝙞𝙙𝙚 

Kelangan makumbinsi mo muna ang sarili mo na mas maganda ang nasa labas ng comfort zone mo. 

Otherwise, kung hindi mo makikita yun e mas pipiliin mo pa ring mag stay jan sa kalagayan mo.


2. 𝙏𝙧𝙖𝙞𝙣 𝙔𝙤𝙪𝙧𝙨𝙚𝙡𝙛 𝙩𝙤 𝙙𝙤 𝘿𝙞𝙛𝙛𝙞𝙘𝙪𝙡𝙩 𝙩𝙝𝙞𝙣𝙜𝙨

Para makalabas ka sa limitasyon mo at mga boundaries mo e kelangan sanayin mo ang sarili mo na mahirapan.

Wag kang matakot sa pressure. 

Sabi nga diba, Diamonds are made under pressure.

Pag mahirap wag ka agad sumuko. 

Nasubukan mo na ilang beses sumuko e wala namang nangyare edi try mo naman wag sumuko.

Bawal sa may pangarap ang maarte at spoiled. 

Kung gusto mo talagang maging successful e ihanda mo ang sarili mo sa mahihirap na tasks.


3. 𝙍𝙚𝙢𝙞𝙣𝙙 𝙔𝙤𝙪𝙧𝙨𝙚𝙡𝙛 𝘼𝙗𝙤𝙪𝙩 𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙒𝙝𝙮

Kung gusto mong makalabas sa limitasyon at mga boundaries mo e dapat ipaalala mo sa sarili mo kung bakit mo ito gagawin. 

Kelangan maging malinaw sayo kung bakit mo kelangang malagpasan ang sitwasyon mo.

Eto kasi yung magtutulak sayo para maging matatag ka at magpursiging lumaban para sa pangarap mo.


4. 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢 𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙈𝙞𝙣𝙙 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝘼 𝘾𝙝𝙖𝙢𝙥𝙞𝙤𝙣

Kung gusto mong makalabas sa limitasyon at mga boundaries mo dapat magkaroon ka ng kaisipan ng isang kampeon. 

Ang champion e competitive. 

Hindi ka nakikigaya sa kung ano ang ginagawa ng iba. 

Itinotodo mo kasi gusto mo ikaw ang manalo. 

Ang mindset ng mga champion e focused sa prize. 

Hindi siya nagsasayang panahon at ng energy sa mga bagay na hindi naman makakatulong sa kanya para makuha niya ang premyo.

5. 𝙑𝙖𝙡𝙪𝙚 𝙀𝙭𝙘𝙚𝙡𝙡𝙚𝙣𝙘𝙚

Kung gusto mong makalabas sa limitasyon at mga boundaries mo e dapat ivalue mo ang Excellence. 

Hindi dapat puchu puchu ang mentalidad mo. Bawal ang pwede na. 

Good enough is not good enough.

The question now is, Kelan ba ang Tamang oras at panahon para simulang lumabas sa mga limitasyon mo at boundaries mo?

Papaano?

Kelangan punong puno ka ng fighting spirit na magtagumpay.

Dapat punung puno ka ng desire na mareach mo ang full potential mo.

Like what Confucius said, "𝙏𝙝𝙚 𝙬𝙞𝙡𝙡 𝙩𝙤 𝙬𝙞𝙣, 𝙩𝙝𝙚 𝙙𝙚𝙨𝙞𝙧𝙚 𝙩𝙤 𝙨𝙪𝙘𝙘𝙚𝙚𝙙, 𝙩𝙝𝙚 𝙪𝙧𝙜𝙚 𝙩𝙤 𝙧𝙚𝙖𝙘𝙝 𝙮𝙤𝙪𝙧 𝙛𝙪𝙡𝙡 𝙥𝙤𝙩𝙚𝙣𝙩𝙞𝙖𝙡... 𝙩𝙝𝙚𝙨𝙚 𝙖𝙧𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙠𝙚𝙮𝙨 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙬𝙞𝙡𝙡 𝙪𝙣𝙡𝙤𝙘𝙠 𝙩𝙝𝙚 𝙙𝙤𝙤𝙧 𝙩𝙤 𝙥𝙚𝙧𝙨𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙚𝙭𝙘𝙚𝙡𝙡𝙚𝙣𝙘𝙚."

The answer is,

𝙉𝙊𝙒!

Why?

Dahil maikili lang ang oras kapatid.

Hindi mo alam ang haba ng buhay mo.

Kelan pa kapag sobrang tanda mo na?

Yung panahon na maliit na ang chance para makuha mo ang mga pangarap mo?

Today is the best day to Convince Yourself First That the Outside of Your Boundaries is Better than the inside.

Today is the best day to Train Yourself to do Difficult things.

Today is the best day to Remind Yourself About Your Why.

Today is the best day to Program Your Mind to be A Champion.

and Lastly, Today is the best day to Value Excellence.

Kaya mong Maabot ang mga Pangarap mo. Tandaan mo, ang Imposible ay opinyon lang.

Kahit gaano man kahirap ang nararasan mo ngayon wag na wag kang susuko dahil malapit na ang breakthrough mo.

Yes maaaring pagod ka na at hirap na hirap ka na pero kaya mo to.

Ipaglaban mo ang mga pangarap mo.

Itodo mo na.

Remember this, You Can Reach Your Dreams By Going Beyond Your Boundaries.

𝙎𝙤 𝙇𝙖𝙡𝙖𝙗𝙖𝙨 𝙠𝙖 𝙗𝙖 𝙤 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙚?

Read More About Developing Your Success Mindset:

>>>   The 7 Important Benefits of Positive Thinking 

>>>  4 Na Bagay Na Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Iyong  Kaisipan  

>>>  Ano nga ba ang Success o Tagumpay?

No comments